Palitaw

Para kang palitaw…lulubog, lilitaw.

Para kang bula, na bigla na lang mawawala. 

Para kang hangin na di mapukaw sa tingin. 

Para kang payaso na minsan nakangiti, minsan nakanguso.

Ano ba talaga ang papel mo sa buhay ko? 

Dadating ka ng wala sa panahon, at

bigla na lang maglalaho kung kelan mo gusto.

Tama na. Ayoko na.  Isa kang palaisipan.

Hindi ako ipinanganak para maging pangalawa sa buhay mo. 

Dahil kung tutuusin, wala kang papel sa mundo ko.

One Response to “Palitaw”

  1. Ay. Nangamoy panandaliang lablayp ah.

    Oh shet.

    Hmmm… may rereto ako sayo, blogmate natin dati. :D

Leave a Reply